Pinagkalooban na ng tulong pinansyal ng City Social Welfare and Development Office ng Valenzuela City Government ang mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog at sunog sa Barangay Ugong kahapon.
Bukod sa Php30,000 cash asssistance, aakuin din ng City Government ang funeral expenses ng apat na nasawi.
Bawat pamilya ay nakatanggap din ng tig Php10,000 cash assistance mula sa Office of Senator Win Gatchalian.
Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection, isang printing press company ang pinagmulan ng pagsabog at sunog.
Hindi naman nakaapekto ito sa iba pang mga istraktura at kabahayan. | ulat ni Rey Ferrer