Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa ilang bus terminal ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang dumagsa ngayong hapon ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan sa 5 Star bus terminal sa Quezon City.

Ayon sa pamunuan ng bus company, magtutuloy-tuloy na ang dating ng mga pasahero hanggang bukas.

Tiniyak nitong sapat ang kanilang units para maisakay ang mga pasahero.

24 oras din ang biyahe ng mga bus sa mga ruta nito papuntang Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Pangasinan, Tarlac at iba pa.

Kasabay nito, nagsagawa ng inspeksyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes sa nasabing bus terminal.

Tinitiyak ng opisyal na magiging maayos ang biyahe ng mga uuwing pasahero ngayong Semana Santa at maayos ang kondisyon ng mga pampasaherong bus.

Nagsagawa din ng surprise drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga bus driver at konduktor sa nasabi ring bus terminal. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us