Mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng agri sector, inilatag kay Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng Public-Private Partnership sa pagkamit ng sustainable development at pagbabago sa sektor ng agrikultura.

Sa pulong nina Pangulong Marcos kasama ang pribadong sektor sa Malacañang, inilatag sa pangulo ang update sa Kapatid Angat Lahat for Agricultural program.

Dito, inilahad rin ng pangulo ang kaniyang kagustuhan na maisaayos ang paraan upang matugunan ang mga mahahalagang isyu sa ekonomiya, lipunan, at pangkapaligiran sa sektor ng agrikultura.

Sa pulong, nagbigay naman ng iba’t ibang rekomendasyon ang pribadong sektor upang mapabuti ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Kasama sa mga rekomendasyong ito ang pagpapabuti ng mga programa sa pautang sa mga magsasaka. Kabilang rin ang tamang implementasyon ng batas sa Agri-Agra, teknikal na pagsasanay para sa mga magsasaka, at ang pagkakaroon ng post- harvest facilities sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us