Pinaalalahanan ngayon ng Quezon City Local Government ang lahat ng mga restaurant at eating establishment sa lungsod sa mahigpit na pagpapatupad ng diskwento sa mga solo parent sa lungsod.
Batay sa abiso ng QC Business Permits and Licensing Department, dapat na magbigay ang mga restaurant ng 20% diskwento sa total bill ng registered Quezon City Solo Parents tuwing una at huling linggo ng buwan.
Alinsunod na rin ito sa City Ordinance No. SP-2766, s. 2018 na tumutukoy sa benepisyong hatid ng LGU sa mga solo parent sa lungsod.
Nakasaad rin dito na sinumang lalabag sa naturang mandato ay maaaring mapatawan ng warning para sa first offense, habang ₱5,000 multa at posibleng kanselasyon ng
business permit, permit to operate, at prangkisa para sa third offense.
Una nang ipinunto ni Mayor Joy Belmonte na batid ng Quezon City Government ang hirap na pinagdadaanan ng kanilang sektor kaya isa sila sa mga prayoridad sa mga serbisyo ng lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa