MIAA, pinapurihan ang mga ginagawang hakbang ng airline companies dahil sa on-time performance nitong Holy Week exodus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang airline companies sa bansa na nakapagtala ng high on-time performance nitong Holy Week exodus.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Choing, na ito’y sa kabila ng walang napaulat na anumang flight cancelations nitong nagdaang Miyerkules at Huwebes Santo kung saan wala ring naitalang airport congestion sa lahat ng NAIA terminals.

Dagdag pa ni Choing na ito’y patunay na maaring maiwasan ang pagkakaroon ng congestion sa mga terminals at kinakailangan lamang ng maayos na sistema para dito.

Sa huli, muling nagpasalamat si Choing sa mga kawani ng MIAA sa maayos na pagpapatupad ng mga sistema sa NAIA terminals nitong nakaraang linggo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us