Mobile Money Operators, hinamon ng Makati Solon na tumulong sa pagpapababa ng remittance fee ng OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang iba pang Philippine-based mobile money operators gaya ng GCash na tumulong para mapababa ng binabayarang remittance fee ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kasunod na rin ito ng pag-roll out ng serbisyo ng GCash sa ibang mga bansa kahit walang Philippine-registered SIM.

Ayon kay Campos, kung ang mga digital wallet at payment services ay magagamit na sa ibang mga bansa ay dagdag alternatibo ito para sa mga OFW na makapagpadala ng pera sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas sa mas maliit na remittance charge.

Sa paraan aniyang ito, mas mapakikinabangan ng mga OFW dependents ang remittance na ipinapadala sa kanila.

“We want GCash and other mobile money technology players to forcefully compete with banks in the remittance market to put a downward pressure on transaction costs. Lower remittance fees will mean higher disposable income for Filipino households dependent on cash from abroad, and more money flowing into our economy” paliwanag ni Campos.

Tinukoy ng mambabatas na batay sa World Bank Remittance Prices Worldwide report, 6.3% ng ipinapadalang remittance ng mga OFW ang napupunta lamang sa remittance charges.

87% ng mga remittance na ipinapadala ng OFW ay sa pamamagitan ng bangko na mayroong mataas na remittance fee na aabot ng hanggang 11.69% ng halagang ipinadala.

Ipinunto pa ni Campos na batay sa United Nations, makakakuha ng dagdag na $20 billion kada taon ang remittance-receiving families kung bababaan ang remittance charges sa 3% average. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

?: Cong. Luis Campos FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us