Mobile Water Filtration Truck mula sa Office of Civil Defense, naipadala na sa Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarating at nagagamit na ngayon ng mga residente ng Oriental Mindoro ang ipinadalang Mobile Water Filtration Truck mula sa Office of the Civil Defense (OCD).

Layon nitong mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga residente ng lalawigan partikular na iyong mga apektado ng oil spill dulot ng paglubog ng M/T Princess Empress sa karagatang sakop ng bayan ng Naujan.

Ayon sa OCD, pinangangasiwaan ngayon ng Office of the Civil Defense – Regional Office 4B o MIMAROPA ang operasyon ng OCD-NDRRMC Mobile Water Filtration Truck.

Sinanay ang mga operator ng nasabing Water Filtration Truck na nakapuwesto sa Incident Command Post na matatagpuan sa Oriental Mindoro Capitol Complex na nasa lungsod ng Calapan.

Mahalaga ang papel ng nasabing trak lalo pa ngayong panahon ng tag-init dahil sa pinangangambahang kakapusan ng mailinis at inuming tubig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us