Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang patuloy na pagsusulong ng modernisasyon sa Korte Suprema kabilang na ang desisyon nitong pahintulutan ang videoconferencing para sa legal aid cases.
Nitong Enero lang nang maglabas ng desisyon ang Supreme Court kung saan pinapayagan na nito ang pagsasagawa ng videoconferences sa legal aid cases bilang tugon sa hirit ng Integrated Bar of the Philippines.
Ayon sa CHR, sa hakbang na ito ng Korte Suprema ay pinabubuti nito ang access sa
legal assistance ng mga nasa marginalized at vulnerable sector.
Makatutulong rin aniya ang naturang digital innovation para sa volunteer lawyers na naghahatid ng free legal aid lalo na sa human rights litigation.
Ayon pa sa CHR, ang hakbang ng SC ay daan para mapabilis ang paglilitis at disposisyon ng mga kasong hawak nito.
“As colleagues in the pursuit of justice and the protection and promotion of all Filipino’s human rights, CHR wholly supports the judiciary branch’s commitment to overcome its delay and congestion challenges and renew the general public’s trust and confidence in the Filipino justice system. When our courts improve as they heed the calls of the people who need justice the most, we move closer to being a society capable of upholding the dignity of all,” pahayag ng CHR. | ulat ni Merry Ann Bastasa