Muling pag-uusap ng PH, China sa ‘Joint Oil and Gas Exploration’ sa WPS, uumpisahan sa Mayo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na sa Mayo ang pag-uusap ng Pilipinas at China sa Joint Oil and Gas Exploration sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang nasabing pulong ay para sa preparatory talks o paghahanda para sa muling pag-uusap ukol sa oil and gas exploration kasunod ng pagbisita ni President Ferdinand R. Marcos Jr sa China noong January 5.

Sa darating na Mayo, pag-uusapan ang parameters at terms of reference.

Tiniyak naman ni DFA Sec. Enrique Manalo na magbibigay sila ng update kay Senator Francis Tolentino.

Matatandaang nagbabala si Sen.Tolentino na baka patibong ang nasabing usapan na magreresulta sa pagsasamantala ng China tulad ng pagpaparami ng barko ng China sa West Philippine Sea. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us