Muling pagbubukas ng Kadiwa store sa Parañaque matapos ang Semana Santa maagang dinagsa ng mga mamimili

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na muli ang Petron Kadiwa store sa Brgy. San Antonio, Parañaque City matapos ang Semana Santa.

Maagang pinilahan ang Kadiwa kung saan sunod-sunod ang pagdating ng mga namimili at marami silang binibili.

Sinabi ng mag-asawang nakapanayam natin, maramihan ang pagbili sa Kadiwa at ito ay ginagawa nila dalawang beses kada isang linggo.

Lubos silang nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil malaki ang kanilang natitipid dahil sa murang paninda sa Kadiwa.

Bukas ang Petron Kadiwa sa Brgy. San Antonio, Parañaque simula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us