Multi-Hazard Impact-Based forecasting at Early Warning System, inilunsad ng DOST-PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para mapaigting pa ang disaster risk reduction sa bansa ay inilunsad ngayon ng DOST-PAGASA ang kauna-unahang Green Climate Fund Project na Multi-hazard Impact-based Forecasting and Early Warning System for the Philippines Project (MH-IBF-EWS or IBFPh Project).

Layon ng proyekto na bumuo ng isang nationwide system para sa isang impact-based forecasting at early warning system sa mga sakuna tulad ng matinding pagbaha, landslide, severe wind at storm surge

Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum, dahil sa lumalalang global warming, kailangang mas paghandaan ng bansa ang large scale disasters na posibleng tumama anumang oras.

Sa pamamagitan aniya ng naturang proyekto ay maipapaalam sa publiko ang science-based scenarios na posibleng mangyari sa isang lugar na tatamaan ng kalamidad para maunawaan ang impact nito at agad na makaaksyon ang pamahalaan at LGUs.

Ayon sa PAGASA, isa sa mga major component ng proyekto ang pagbuo ng isang napapanahong warning information partikular sa vulnerable areas nang mas maging handa ang mga komunidad at mabawasan ang malalang epekto ng kalamidad.

Ilalarga ang IBF-Ph Project sa loob ng limang taon sa ilang vulnerable na barangay sa Tuguegarao City, Cagayan; Legazpi City, Albay; Palo, Leyte; at New Bataan, Davao de Oro.

Pinondohan ito ng $22-M kung saan kasama ang Green Climate Fund Grant na nagkakahalaga ng $10-M. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us