NAIA Terminal 3, nananatiling maayos ngayong Martes Santo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga paliparan.

Sa NAIA Terminal 3 hindi naiipon ang mga pasahero kasunod ng ginagawang intervention ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Kabilang na dito ang pagtanggal ng X-RAY machine sa entrance ng Airport at pagkikipag-ugnayan sa mga airline company na pahabaan ang oras ng check-in counter process.

Mula sa tatlong oras, limang oras ang palugit ng ilang kumpanya para sa check-in counter process para mabigyan ng mas mahabang oras ang mga pasahero at hindi ma-late sa kanilang flight. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us