Nakapagparehistro na ng SIM card ang halos 40% ng target registrants sa bansa.
Batay yan sa ulat ng National Telecommunications Commission (NTC), as of April 12.
Katumbas na ito ng 67.1 milyong telco subscribers mula sa kabuuang 169 milyong subscribers sa bansa.
Mula sa bilang na ito, 33,304,980 ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 50.23% ng kanilang subscribers.
Nasa 28,853,852 naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 33.26% ng kanilang subscribers habang mayroon na ring 5,007,455 nakarehistrong SIM sa DITO Telecommunity o 33.46% ng kabuuang subscribers.
Una nang nanawagan ang mga telco na magkaroon ng extension sa pagpaparehistro dahil sa malaking bilang pa ang kailangang habulin sa April 26 deadine. | ulat ni Merry Ann Bastasa