Nararapat na living wage at pagpapatigil sa ENDO, ipinanawagan ni Sen. Joel Villanueva ngayong Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, ipinanawagan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bilisan na ang mga pag-aaral ng mga panukalang dagdag sweldo sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay Villanueva, mahalagang mapag-aralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang magiging tamang pamantayan para matukoy ang resonableng living wage para sa mga manggagawa sa bansa.

Isinusulong ring muli ng senador na matuldukan na ang kalakaran ng ENDO (end of contract), sa pribadong sektor man o sa gobyerno.

Itinutulak rin ng mambabatas ang Trabaho Para sa Bayan bill na layong bumuo ng komprehensibong plano para sa labor and employment na may kaakibat na pagsuporta sa maliliit na negosyo.

Dapat rin aniyang mamayani ang polisiya na base sa malayang kagustuhan ang pagtratrabaho sa ibang bansa at hindi kapit-sa-patalim.

Binigyang diin ni Villanueva na dapat tumbasan ng kagyat na aksyon ang mga pangangailangan ng mga manggagawa bilang sukli sa kanilang sakripisyo at kontribusyon sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us