Nasa 13, 000 aso ang nakatanggap ng bakuna laban sa rabies at 50 aso at pusa ang nakapon sa South Cotabato noong nakaraang buwan ng Marso.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month culmination nitong taon.
Isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVET) sa Provincial Capitol Compound ang libreng kapon at mass anti-rabies vaccination.
Ang PVET ay nag-alok din ng libreng vitamins at naglunsad ng free deworming para sa mga pusa at aso.
Magkakaroon muli ng nabanggit na aktibidad sa iba’t ibang barangay ng South Cotabato at bawat barangay ay lalaanan ng schedule mula Abril hanggang Nobyembre nitong taon. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao