Naval Forces Southern Luzon, naka-alerto sa Bagyong Amang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-alerto ang mga tropa at barko ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) sa anumang kaganapan kaugnay ng Tropical Depression “Amang” sa Bicol.

Ayon kay NAVFORSOL Public Affairs Office Director Regiel Gatarin, naka-standby ngayon ang mga Disaster response teams para tumulong sa mga lokal na awtoridad sa possibleng search and rescue operations.

Nakahanda na rin aniya ang kanilang mga truck at sasakyan para sa evacuation, at paghahatid ng relief goods sa mga lugar na apektado ng TD “Amang” kung kakailanganin.

Ayon sa opisyal, palaging maasahan ng mga mamayan ang NAVFORSOL sa panahon ng bagyo o kalamidad, bilang bahagi ng kanilang commitment na pangalagaan ang taongbayan at pambansang seguridad. | ulat ni Leo Sarne

?: NAVFORSOL

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us