NEDA Chief, inilatag ang mga prayoridad ng pamahalaan sa pagtamo ng SDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ng National Economic Development Authority o NEDA ang mga istratehiya ng pamahalaan sa pagtatamo ng sustainable development goals ng Pilipinas sa timog-silangang asya.

Ito ay ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod ng kaniyang pagdalo sa 2nd ASEAN Ministerial Dialogue on Accelerating Actions to Achieve the Sustainable Development Goals.

Dito, iminungkahi ni Balisacan na kinakailangang maitaguyod ang mabilis at matatag na ecosystem para sa Reseach and Development gayundin sa innovation

Binigyang diin pa niya ang kahalagahan ng maigting na pagpapatupad ng ASEAN Vision 2025 sa Disaster Management at dapat mag-adopt ang mga bansa sa rehiyon para sa whole-of-ASEAN approach upang makamit ang pag-unlad

Mangyayari lamang ito kung magkakaisa ang pribadong sektor, lokal na komunidad, Civil Society organization at regional networks para sa development of partnership sa pamamagitan ng maigting na komunikasyon at koordinasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us