Nakatakdang pangunahan ng National Economic & Development Authority o NEDA ang pagdiriwang ng 2023 National Innovation Day sa Biyernes, Abril 28.
Layon nitong itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa innovation salig sa itinatadhana ng Republic Act 11293 o ang Philippine Innovation Act.
Sa temang “HABI: Huddle. Analyze. Build. Innovate.” target ng pagdiriwang na mapagsama-sama ang iba’t ibang stakeholders tulad ng mga kabataan, academe, mga industriya, entrepreneurs, investors gayundin ang national at local government agencies
Ito’y upang mai-ugnay ang bawat isa at makabuo ng collaboration kung paano naman nila mapag-iibayo ang innovation sa bansa
Tampok din dito ang mga nakalinyang programa ng National Innovation Council at member agencies nito para sa diwa ng “Filipinnovation” at pagbuo ng isang dynamic ecosystem o masiglang merkado. | ulat ni Jaymark Dagala