Non-extension ng SIM Registration, makaka-apekto sa target na digital transformation ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang araw bago ang itinakdang April 26 deadline, muling umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang SIM Registration ng hanggang isa o dalawang buwan.

Ani Villafuerte, oras na ma-deactivate ang SIM cards ng mga subscriber na hindi makapagparehistro ay mauuwi ito sa kanilang disenfranchisement sa digital at financial connection.

Bagay na makaka-apekto sa target na digitization ng Marcos Jr. administration.

Kabilang aniya dito ang kawalan ng access sa one-time passwords o OTP sa mobile wallets at banking apps; online service app gaya ng food delivery at online shopping platform; gayundin ay hindi na makakatanggap ng emergency messages.

Ang mga numero na hindi mairerehistro ay awtomatikong hindi na magagamit pagsapit ng April 27.

“This is an 11th-hour appeal to the DICT to stretch the SIM registration period by a month or two… A non-extension of the registration period will have led to the disenfranchisement come Wednesday (April 26) of the legion of legit SIM owners who fail to beat the deadline for the sign-up, thereby dealing a severe blow to the Marcos administration’s efforts to fast-track our country’s digital transformation,” ani Villafuerte.

Paalala ng mambabatas mayroong probisyon sa SIM Registration Law na nagpapahintulot sa pagpapalawig ng registration ng hanggang 120 days.

Ngayon araw, April 24, ay inaasahang magkakaroon ng pulong si DICT Secretary Ivan John Uy kasama ang mga public telecommunications entity at iba pang stakeholder upang tukuyin ang mga gap o dapat ayusin sa registration process.  | Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us