Office for Transportation Security kailangan ang tulong ng PCG para sa ipinatutupad na seguridad sa NAIA ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humiling ng karagdagang pwersa ang Office for Transportation Security (OTS) sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagpapatupad ng seguridad sa NAIA ngayong Semana Santa.

Ayon kay Undersecretary Ma. O Aplasca, admistrador ng OTS, 1.2 milyong pasahero ang inaasahan na magpupunta sa mga airport sa Manila ngayong Semana Santa at hindi sapat ang bilang ng mga tauhan ng OTS.

Nasa 100 tauhan mula sa PCG ang kanilang hiniling.

Kung sakaling kulangin pa rin, hihiling ang OTS ng karagdaga ng pwesra sa Philippine National Police.

Samantala, patuloy na makikipag-ugnayan ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa iba pang sangay ng gobyerno tulad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatutok sa daloy ng trapiko sa paligid ng mga airport. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us