Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na online post na umano ay may mga resort sa Western Visayas ang pansamantalang isinara dahil sa heatwave.
Ayon kay Health Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang katotohanan ang kumakalat na online post gamit ang pangalan ng Center for Health Development Center Western Visayas.
Aniya, wala silang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isara ang mga beach resort, tulad ng mga kumakalat na balita.
Mayroon umano silang mga nakapost sa kanilang social media account ngunit hindi ito patungkol sa pgpapasara ng mga resort, kung hindi isang paalala lamang na mag-ingat ngayong tag-init.
Kabilang sa mga ito ang pag-inom ng maraming tubig, pagsuot ng komportable na mga kasuotan at manatili sa mga malilim na lugar. | ulat ni Michael Rogas