Operasyon ng pamahalaan laban sa mga colorum na sasakyan, pinalalakas pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinalalakas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang anti-colorum operations nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit Head Bong Nebrija na nito lamang kasagsagan ng pagbiyahe ng publiko para sa Semana Santa, hindi sila tumigil sa pagsasagawa ng operasyon.

Nasa 14 mula sa 19 aniya ang mga pampublikong sasakyang wala na sa linya o wala nang prangkisa.

Karamihan aniya sa mga ito ay iyong mga jeep na inarkila para sa outing.

“Kadalasan ito may initial violation, for example parking o kaya may on going violation tapos pag-hinanapan ng lisensya, walang maipakita, walang rehistro o paso na ang rehistro kaya namin nai-impound.” saad ni Col. Nebrija.

Ayon kay Col. Nebrija, sila sa MMDA ay patuloy na palalakasin ang operasyon kontra kolorum, upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga mananakay, at upang mailayo ang mga ito sa mga nananamantala o naniningil ng sobrang pamasahe.

“Pero tuloy-tuloy po ang efforts ng inyong ahensiya, ang MMDA sa Anti-Colorum Operations natin upang siguraduhin ang kaligtasan ng ating mga pasahero at upang sa ganoon ay hindi po sila nagte-take advantage, alam naman po natin ang mga colorum operations, wala pong matrix na sinusunod iyan. Kung ano ang gusto nilang singilin iyon po ang sinisingil nila at hindi po nakakasigurado sa kaligtasan ang ating mga commuters.” pahayag ni Col Nebrija. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us