Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng isang opisyal na presidential directive bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Nino.

Ayon sa mambabatas, maganda ang paunang hakbang ng pangulo na bumuo na ng isang Water Resource Management Office na titiyak sa kasapatan ng tubig sa bansa lalo at posibleng umabot ng hanggang 2024 ang epekto ng El Nino.

Kasabay naman nito ay iminungkahi ng mambabatas ang pagkakaroon ng small scale short gestation period irrigation system sa pangunguna ng NIA, Provincial engineering office at Department of Agriculture.

Dapat din aniyang bilisan ang pagtatayo ng shallow tube well irrigation sa ilang piling lugar at kalampagin ang mga lokal na pamahalaan na magtayo ng kanilang rainwater catchment facilities.

Maliban sa sektor ng agrikultura kailangan rin aniya paghandaan ang epekto ng El Niño sa panahon.

Kailangan aniya na bantayan ang presyo ng basic commodities, agricultural products at gamot.

Dapat naman aniyang maghanda ang BFP, LGUs, AFP, PNP, at Philippine Red Cross sa paghahatid ng inuming tubig sa mga nangangailangan at palakasin ang fire prevention education.

Kailangan din aniyang maghanda para sa Crop Insurance Extension para sa mga maaapektuhan ng tagtuyot. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us