OTS, nagdagdag ng tauhan upang umalalay sa mga paliparan ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpakalat pa ng karagdagang tauhan ang Office for Transportation Security (OTS) para umalalay sa mga paliparam ngayong Semana Santa.

Ayon kay Undersecretary Ma. O Aplasca, admistrator ng OTS, ang 50 karagdagang tauhan ay magsisilbing tray retriver at passenger controller.

Nabatid na aabot sa isang libong OTS personnel ang kasama sa ide-deploy para sa contingent security ngayong Semana Santa 2023 bukod pa sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard, at iba’t ibang unit ng PNP.

Kabilang sa prayoridad ang pagtiyak sa kaligtasan, hindi ma-late ang mga may flight, at maging maayos ang sitwasyon ng mga pasahero sa NAIA.

Ang mga kasama sa security contingent ay hindi maaring umabsent simula April 2 hanggang Abril 10. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us