Pag-uwi ng 64 na survivor ng M/V Lady Mary Joy 3, sinalubong ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Sulu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sama-sama ang Provincial at local government sa Sulu sa pahahatid ng tulong sa mga nakaligtas mula sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3, na dumating na sa lalawigan ngayong umaga.

Katuwang ng Sulu Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Sulu, Philippine Red Cross – Sulu Chapter at Pamahalaang lokal mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya.

Ayon kay Muammar Lakibul, DRRM Focal ng MSSD Sulu, tig isang sako ng bigas na may 25 kilo at food packs na naglalaman ng mga de lata at noodles ang kanilang ipinamahagi ngayong umaga.

Dagdag ito aniya sa nauna nang naipamahagi na pinansiyal na tulong na may halagang P10,000 sa mga survivor; P15,000 sa mga naka-confine at P25,000 sa mga pamilya ng nasawi nitong Biyernes sa lungsod ng Zamboanga.

Mayroon ding hatid na hygiene kits ang MSSD Basilan at DSWD sa Region IX.

Nagsagawa naman ng profiling ang PRC – Sulu Chapter na kanilang isusumite sa PRC National, na inaasahang maghahatid ng pinansiyal na tulong para sa mga biktima.

Habang, P3,000 at isang sakong bigas ang ibinigay ng Jolo Municipal Government mula mismo kay Mayor Kekhar Tan at karagdagang P2,000 mula kay Vice Mayor Ezzeddin Tan at sa mga konsehal ng Jolo.

Personal ding nagtungo sina Councilor Ezzel Arab Abubakar at Denrasher Salim sa pantalan ng Jolo upang kumustahin ang mga nakaligtas mula sa naturang trahedya. | ulat ni Mirah Sigaring | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us