Pagbagal ng inflation, resulta ng pagpupursigi ng pamahalaan na pababain ang presyo ng bilihin – NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA sa publiko ang patuloy na pagpupursigi ng Pamahalaan upang maging abot kaya ang presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa

Ito ang reakyon ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan makaraang maitala ang 7.6 percent na inflation rate nitong buwan ng Marso na mas mababa kumpara sa 8.6 percent inflation na naitala noong Pebrero.

Ayon kay Balisacan, bagaman bumababa na ang inflation, nananatili pa rin itong hamon para sa pamahalaan na tutukan at agad na matugunan ang mga suliraning bumabalot dito.

Kinakailangan aniyang palakasin ang purchasing power ng mga Pilipino lalo na iyong mga nasa tinatawag na vulnerable sector ng ekonomiya na pangunahing prayoridad ng Administrasyong Marcos Jr

Nakalatag na aniya ang mga hakbang na ito sa ikinasang Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028 na siya namang isa sa mga inaaksyunan na ng binuong Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook

Kasunod niyan, nangako rin si Balisacan na magbabalangkas sila ng mga rekumendasyon upang matugunan ang mga banta sa suplay ng pagkain tulad ng pinangangambahang pagkalat ng Arican Swine Fever o ASF gayundin ang El Niño sa bansa | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us