Sa Malacañang briefing, sinabi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na for immediate formation ang El Nino team sa gitna ng paninigurong tutugunan ang problema sa El Nino sa pamamagitan ng whole of government approach.
Magtutulong -tulong aniya dito ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para bumalangkas ng mitigation activities at maiwasan ang malalang epekto ng tagtuyot.
Isa pang bilin ng Pangulo, maglatag ng long term process sa paghahanda sa El Nino gamit ang scientific approach.
Bawat aksyon aniya sabi ni Nepomuceno ay kailangang may pagbabasehan at malaki ang magiging papel dito ng DOST. | ulat ni Alvin Baltazar