Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo sa single operating system para sa lahat ng government transactions na titiyak ng ease of doing business sa Pilipinas.
Sa sectoral meeting sa Malacañang, sinabi ng pangulo na ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na nakatutok sa code o polisiya ay dapat na ikonsidera ang pagkakaiba ng proseso sa national government at proseso ng mga lokal na pamahalaan.
“I think it may help when you’re writing the code or when you’re putting the system together, you’re going to have to think about the differences between the national bureaucracy and the different LGUs,” — Pangulong Marcos Jr.
Mayroon kasi aniyang mga teknikal na dahilan, maging politikal, at lokal na konsiderasyon, sa pagtalima sa batas ang dapat na maisaalang-alang, at ang pamahalaan naman ay kailangan na matugunan ang mga usaping ito.
“Those are the things that we still work with. The questions we were trying to bring it down to that level, and the local governments are really part of that thing. You’ve seen how it can happen. That’s what we need to address,” — Pangulong Marcos.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Anti-Red Tape Authority (ARTA), inililinya na ang proseso ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang mapagsama-sama na ito sa single system.
“Officials from those agencies said they are also looking at integrating all the processes for migrant workers, maritime, as well as shipping industries, as they noted the improvement and the processes by integrating all government processes through data sharing.” — Secretary Garafil
Ayon aniya sa mga opistal ng DICT at ARTA, nakonsulta na nila ang stakeholders kabilang ang iba’t ibang pamahalaan, upang silipin ang kanilang mga proseso at requirements kasabay ng panghihikayat sa mga ito na gawin nang unified ang kanilang application form, at upang maikonekta sila sa isang network na magsisilbing one stop shop.
“The proposal, they said, is to extend the coverage to other types of business like what was done by the Department of Trade and Industry (DTI) on the creation of a one-stop-shop for big-ticket investments.” — Secretary Garafil
Ayon sa kalihim, ang pinakamabisang paraan upang bawasan ang mga requirement at processing time ay ang paga-adopt ng government agencies ng data sharing, upang ang mga dokumento na naisumite na sa isang ahensya ay hindi na hihingin pa ng isang ahensya. | ulat ni Racquel Bayan