Pagdalo ni Cong. Arnie Teves sa pagdinig via teleconferencing hindi pinayagan ng komite ni Sen. Bato Dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pinayagan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na dumalo virtually o sa pamamagitan ng teleconferencing si Congressman Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa ginagawang pagdinig ng komite tungkol sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Committee Chairman Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na base ito sa napagkasunduan ng mga miyembro ng kanilang komite.

Paliwanag ni Dela Rosa, posible kasing magkaroon ng legal issues sa panunumpa para sa testimonyang ihahayag ni Teves kung via online lang haharap ang suspendidong kongresista.

Para kasi aniya mapayagan na makadalo virtually ay dapat makapanumpa si Teves sa isang otoridad na may hurisdiksyon ng Pilipinas gaya ng mga embahada o konsulado sa ibang bansa.

Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa tukoy ang kinaroroonan ni Teves.

Dagdag pa ni Dela Rosa, hindi rin nila maaaring mapa-cite for contempt o mapagsumite ng subpoena duces tecum si Teves kung sa video-conferencing lang ito haharap sa pagdinig.

Sa pagdinig ay ngayong araw, personal na humarap ang biyuda ni Governor Degamo na si Mayor Janice, gayundin sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, DILG Secretary Benhur Abalos at COMELEC Chairman George Garcia.

Dumalo rin ‘physically’ ang kapatid ni Congressman Arnie Teves na si dating Negros Governor Pryde Henry Teves. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us