Pagiging “Drug-Free” ng Quezon City Jail Male Dormitory, napanatili ng BJMP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling “drug-free” ang pasilidad ng Quezon City Jail Male Dormitory kasunod ng isinagawang joint greyhound operation ng Bureau of Jail Management and Penology at Quezon City Police District.

May kabuuang 1,147 Persons Deprived of Liberty ang isinailalim sa pat, frisk at body search habang 2 dormitoryo ang tinutukan ng greyhound operation.

Walang nakuhang illegal drugs sa operasyon maliban sa apat (4) na improvised bladed weapons at pointed metal, 66 na concrete nails, 16 screw, 1 improvised shaver, 6 various nuisance at 158 na iba pang kontrabando.

Ayon kay BJMP-Quezon City Jail Male Dormitory Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, ang Joint Greyhound Operations ay bahagi ng kampanya ng BJMP para sa pinaigting na “OPLAN LINIS PIITAN”.

Suporta din ito sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program ng DILG na naglalayong magbigay ng isang holistic approach sa pagsugpo ng pagkalat ng illegal at dangerous drugs.

Mahigpit na ipinatutupad ni BJMP Acting Chief, JCSupt Ruel Rivera, ang pinaigting na joint greyhound operation sa BJMP manned jails sa buong bansa.

Isinusulong din nito ang pagpapatupad ng BIDA Program sa District, City at Municipal Jails at ang Philippine Development Plan 2023-2028 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us