Pagkakalatbng fake news ni Kabataan Parti-list Rep. Raoul Manuel, pinaiimbestigahan ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa House Ethics Committee na imbestigahan si Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel dahil sa umano’y pagkakalat ng fake news.

Tinukoy ng NTF-ELCAC ang social media post ni Manuel noong April 7, na nagsabing pwersahang inilikas ng militar ang mga residente ng ilang barangay sa Rodriguez, Rizal dahil sa umanoy gagawing aerial bombardment sa mga civilian communities kasunod ng nangyaring enkwentro sa NPA.

Giit ng NTF-ELCAC, ang pahayag ng kinatawan ay pawang kasinungalingan dahil walang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sadyang mambobomba sa mga sibilyan, na labag sa rules of engagement.

Maging ang mismong alkalde ng Rodriguez, Rizal na si Mayor Ronnie Evangelista, ang nagsabi na walang katotohanan ang sinasabi ni Manuel.

Ayon sa Legal Cooperation Cluster ng NTF-ELCAC, nirerespeto nila ang parliamentary immunity ng mga mambabatas, pero ang malisyosong pagkakalat ng “fake news” ni Manuel ay panganib sa public order, at paninira sa estado, na hindi dapat palampasin. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us