Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinukonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal.

Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na presyuhan ng asukal sa merkado kahit na may mga imported na asukal nang ibinaba ang SRA.

Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, nakikipag-ugnayan na sila sa Sugar Regulatory Administration (SRA) at inaalam na kung magkano ang bagsak ng asukal pati na ang patong na presyo ng mga nagtitinda.

Sa panig naman ng SRA, sinabi ni Board member Paul Azcona na bineberipika na rin nila kung ang mga ibinebenta ngayon sa pamilihan ay bahagi na ng imported na asukal o mga lumang stock pa.

Isa naman sa nakikitang solusyon ng DA ang pag-mobilize ng Kadiwa accredited retailers para makapagbenta ng asukal sa mas murang halaga.

Samantala, karagdagang 36,000 metriko tonelada ng imported na asukal ang nai-apply na para sa conversion at maibenta na sa merkado.

Batay sa pinakahuling price monitoring ng DA as of April 3, nagkakahalaga ng ₱86 hanggang ₱110 ang kada kilo ng refined sugar habang ang washed sugar naman ay mula ₱82 hanggang ₱96 kada kilo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us