Paglikha ng ₱10-B assistance fund para sa indigent cancer patients, ipinanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang lawmakers ang paglikha ng P10 billion assistance fund para sa indigent cancer patients.

Sa ilalim na House Bill 7687 na inakda ni Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, palalakasin nito ang kasalukuyang cancer assistance fund sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act o RA 11215.

Nakasaad sa panukala na ang proposed P10 Billion Cancer Medicine and Treatment Fund ay pamamahalaan ng Philhealth sa pamamagitan ng kanilang mga accredited government hospitals.

Ang pondo ay limitado lamang sa mga indigent at underprivileged cancer patient beneficiaries na siyang tutukuyin ng Philhealth katuwang ang DSWD, DOH at DILG.

Paliwanag ng mga mambabatas, bagman may batas na para sa mga cancer patient, marami pa rin sa mga mahihirap na pamilya ang patuloy na nagdurusa sa pagpapagamot at pagpapagaling ng mga cancer patient.

Base sa pag-aaral ng University of the Philippines Manila-Institute of Human Genetics, may bilang na 189 sa bawat 100,000 Filipinos ang may cancer habang apat na Pilipino ang namamatay sa naturang sakit sa kada oras at 96 naman sa kada araw.

Noong January hanggang May 2022, nasa 20,408 ang namatay sa cancer ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us