Paglikha ng trabaho na mataas ang demand, dapat pagsumikapan ng gobyerno sa kabila ng pagbuti ng labor market — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling committed ang pamahalaan na palakasin ang lagay ng paggawa at paglikha ng mataas na kalidad ng trabaho sa bansa sa kabila ng pagbuti ng employment statistics.

Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 48.8 million ang nagkaroon ng trabaho nitong Pebrero, na mas mataas ng mahigit tatlong milyon kumpara noong February 2022.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, patunay ito na unti-unti nang bumabangon ang labor market at ang pagluluwag ng restrictions ay nakatulong para tumaas ang job prospects ng mga Pilipino.

Bagama’t mas maganda ang performance, aminado si Balisacan na may mga hamon pa rin sa sektor na kailangang pagsumikapan partikular ang paglikha ng mga trabahong mataas ang demand, at pagsisiguro ng upskilling at retooling ng mga manggagawa.

Paliwanag ng opisyal, nagsisimula ang istratehiya sa pag-engganyo ng mga mamumuhunan lalo na sa imprastraktura at pagpapabuti ng regulatory environment.

Sa ganitong paraan aniya ay mas tatatag ang ekonomiya at lalago ang interes ng investors sa ibang industriya.

Patuloy namang palalakasin ang kabatiran ng workforce hinggil sa oportunidad sa skills enhancement. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us