Pagpapalakas sa PMMA, isinusulong ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na palakasin pa ang kapasidad ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA).

Sa kaniyang pagharap sa PMMA kamakailan para sa pagpapasinaya ng life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal, sinabi nito na inaaral na sa kamara ang pag-convert ng PMMA bilang Philippine National Marine Academy (PNMA)

Ayon kay Arroyo, itutulak niya sa mga kasamahang mambabatas na pagtibayin ang naturang panukala upang maipantay ang PMMA sa Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy.

Sa kasalukuyan, isang panukala na ang nakahain sa Kamara hinggil dito.

Ito ang House Bill 6503 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us