Pagpapanatili ng face mask mandate sa mga tren, walang problema sa mga pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang problema sa mga pasahero ng MRT-3 North Avenue Station ang pananatili ng face mask mandate sa loob ng mga tren.

Kasunod ito ng naging paalala ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino sa mga pasahero na mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask sa LRT, MRT at PNR bilang preventive measure laban sa COVID-19.

Isa sa mga pasaherong naabutan ng RP1 team ay si Lito na sinabing susunod pa rin dito dahil nakasanayan naman na ang pagsusuot ng face mask.

Ayon sa kanya, hindi naman ito para sa kanyang sariling proteksyon lang kundi para na rin sa kaligtasan ng kanyang mga kapwa pasahero.

Si Zandro naman, doble pa nga ang suot na face mask hanggang ngayon. Mas kampante na aniya siyang nakasuot ang face masks dahil mas nakakasiguro siyang protektado kontra COVID-19.

Una na ring sinabi ni Assistant Secretary Aquino na may mga naka-deploy na personnel sa lahat ng mga istasyon at tren para matiyak na ang patakaran ay mahigpit na ipinatutupad.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us