Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) na magparehistro sa nalalabing mga araw bago ang deadline para sa registration sa April 26.
Nanawagan si Poe sa bawat isa na hikayatin rin ang iba na iparehistro ang kanilang SIM para sa kanilang proteksyon at peace of mind.
Sinabi rin ng senadora na dapat ring gawin ng pamahalaan at ng telecommunications companies (telcos) ang lahat para himukin ang bawat isang Pilipino sa SIM registration.
Kasabay nito, kailangan rin aniyang tapatan ang paghihikayat sa SIM registration ng matibay na imprastraktura para matugunan ang inaaaahang pagbugso ng mga last minute registrants.
Gayundin aniya ang sistema para masigurong ligtas at maproprotektahan ang makakalap na impormasyon mula sa mga subscriber. | ulat ni Nimfa Asuncion