Pagpaparehistro sa mga SIM, ipinanawagang muli ni Sen. Poe ilang araw bago ang deadline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) na magparehistro sa nalalabing mga araw bago ang deadline para sa registration sa April 26.

Nanawagan si Poe sa bawat isa na hikayatin rin ang iba na iparehistro ang kanilang SIM para sa kanilang proteksyon at peace of mind.

Sinabi rin ng senador na dapat ring gawin ng pamahalaan at ng mga telecommunications companies (telcos) ang lahat para himukin ang bawat isang Pilipino sa SIM registration.

Kasabay nito, kailangan rin aniyang tapatan ang paghihikayat sa SIM registration ng matibay na imprastraktura para matugunan ang inaaaahang pagbugso ng mga last minute registrants.

Gayundin aniya ang sistema para masigurong ligtas at maproprotektahan ang makakalap na impormasyon mula sa mga subscriber. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us