Pagproseso ng Assistance to Individuals in Crisis sa DSWD Central Office, suspendido ngayong Mahal na Araw hanggang Araw ng Kagitingan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pansamantalang ihihinto muna ang pagtanggap ng request at pagproseso ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa kanilang Central Office sa Quezon City ngayong Mahal na Araw.

Magsisimula ang suspensyon mamayang tanghali (12 NN) April 5 (Miyerkules) hanggang sa April 10 (Lunes).

Ayon sa DSWD, alinsunod na rin ito sa mga deklarasyon ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno para sa obserbasyon ng Mahal na Araw at pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa bansa.

Magbabalik naman ang pagpoproseso sa mga kliyenteng humihingi ng tulong sa AICS Program sa Martes, April 11.

Samantala, tiniyak ng DSWD na mananatili pa rin itong nakaalerto at handang tumulong sa mga pamilya at indibidwal na maaapektuhan sakaling magkaroon ng hindi inaaasahang insidente o sakuna sa panahon ng Mahal na Araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us