Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminumungkahi ni Senate Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Nayong Pilipino.

Ang rekomendasyong ito ng senador ay kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na sa mga susunod na lima o anim na taon ay tuluyang mauubos ang pondo ng Nayong Pilipino Foundation (NPF).

Batay sa ulat, hanggang nitong katapusan ng 2022 ay nasa ₱646.928 million na lang ang pondo ng Nayong Pilipino.

Para kay Gatchalian, dapat pa ring panatilihin ang Nayong Pilipino dahil nagbibigay ito ng mahalagang educational experience para sa mga kabataan.

Sinabi naman ni Senador Chiz Escudero, na maaaring maglaan ng pondo ang gobyerno sa Nayong Pilipino sa ilalim ng General Appropriations Act (national budget).

Pero sa ngayon, iginiit ni Escudero, na dapat munang pag-aralan ng Department of Tourism (DOT) at Governance Commission on GOCCs (GCG) ang COA report, at silipin kung paano mapapabuti ang kasalukuyang sitwasyon ng NPF. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us