Pagsisimula ng Balikatan Exercise sa susunod na Linggo, pinaghahandaan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at United States Military ang pagsisimula ng Balikatan joint military exercise sa susunod na linggo.

Ang pinagsanib na ehersisyo na pinakamalaki sa kasaysayan ng dalawang bansa ay lalahukan ng 5,400 tauhan ng AFP at 12,200 Amerikanong sundalo simula sa Abril 11 hanggang Abril 28.

Bilang panimula, nagsama ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa groundbreaking ceremony ng itatayong community health care center sa Barangay San Joaquin, Sarrat, Ilocos Norte, noong nakaraang linggo, na bahagi ng Humanitarian Civic Assistance (HCA) projects na isasagawa sa ehersisyo.

Tampok sa pagsasanay militar ng dalawang pwersa ang maritime security, amphibious operations, live-fire training, urban and aviation operations, cyber defense, counterterrorism, at humanitarian assistance and disaster relief preparedness.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, ang Balikatan exercise ay magpapahusay sa kakayahan ng dalawang pwersa na magkasamang tumugon sa iba’t ibang kritikal na situasyon.

Sinabi naman ni Lt. Col. Daniel Huvane, Balikatan Combined Joint Information Director, na ang ehersisyo ay pagkakataon para ipamalas ang lakas at kahandaan ng Philippine-U.S. security alliance. | ulat ni Leo Sarne

?: US Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us