Pagtatayo ng special defense economic zone sa Camp General Antonio Luna, itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukalang batas ang nakatakdang pagdebatehan sa plenaryo ng Kamara ang nagsusulong para sa pagtatayo ng special defense economic zone (SpeDEZ) sa loob ng government arsenal defense industrial estate sa Camp General Antonio Luna sa Limay, Bataan.

Layon ng House Bill 7764 o Special Defense Economic Zone Act, na palakasin ang investment opportunities sa loob ng ating economic zones habang pinalalakas ang defense capabilities ng bansa.

Ang SpeDEZ ay itatatag para sa nais na mag-invest sa defense, military, law enforcement, at defense-related advanced technologies, information and communication technology, research and development at mga support industry nito.

Ang bubuoing SpeDEZ Authority (SpeDEZA) ang mangangasiwa sa special defense economic zone at bibigyan ng corporate power.

Nasa ₱3-billion ang capital stock ng SpeDEZA na pagmamay-ari ng gobyerno.

Ang mga produkto na gagawin sa loob ng naturang zone ay maaaring ibenta sa bansa alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at National Internal Revenue Code (NIRC).

Bibigyan naman ng investor’s visa ang mga dayuhang mamumuhunan na maglalagak ng hindi bababa sa $200,000 investment sa SpeDEZ salig sa ilang kondisyon.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us