Mas mura na ang pamasahe sa eroplano simula sa Mayo.
Yan ay matapos bawasan ang fuel surge charge ng mga airline company.
Ayon sa Civil Aeronatics Board (CAB) Level 5 na lang ang sisingilin na fuel surge charge simula sa May 1.
Yan ay katumbas ng ₱151 hanggang sa ₱543 sa mga Domestic Flight depende sa destinasyon.
Habang ₱500 hanggang ₱3,700 para sa international flight. | ulat ni Don King Zarate