Pambungad na ehersisyo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Balikatan 38-2023, isinagawa sa Fort Magsaysay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo-Pacific Command ang kanilang pambungad na ehersisyo, na bahagi ng Balikatan 38-2023 joint military exercise sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ang sabayang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa “knock-out bunker” at “room clearing operations” ay isinagawa kahapon, sa bisperas ng pormal na pagbubukas ng Balikatan ngayong araw.

Sa opening ceremony kaninang umaga sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Balikatan Philippine Exercise Director Major General Marvin Licudine, na ang Balikatan ay may apat na pangunahing kaganapan: ang Command Post Exercise, Cyber Defense Exercise, Field Training Exercise, at Humanitarian and Civic Assistance (HCA).

Ang iba’t ibang aktibidad ay nakatuon sa maritime security, amphibious operations, live fire exercises, urban operations, aviation operations, counter terrorism, at humanitarian assistance and disaster response.

Ang “highlight” aniya ng ehersisyo ang Combined Joint Littoral live fire exercise sa Zambales sa Abril 26, kung saan gagamit ang mga tropa ng live-rounds para tamaan ang isang target na barko sa karagatan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us