Pangulong Marcos Jr., dadalo sa Littoral Live-Fire Drill ng Balikatan Exercise sa Zambales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dadalo ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Littoral Live-fire exercise ng Balikatan 38 -2023, na gaganapin sa karagatan ng Zambales sa Abril 26.

Ito ang kinumpirma ni Col. Michael Logico, Executive Agent ng “Balikatan” 2023, kasabay ng pagsabi na “excited” ang Pangulo na masaksihan ang naturang aktibidad na binansagang “sinking exercise” o “sinkex”.

Dito’y palulubugin ang isang lumang barko ng Philippine Navy, ang BRP Pangasinan (PS-31), na gagawing target ng lahat ng uri ng armamento ng AFP at US military.

Ang BRP Pangasinan na na-decommission noong Marso 2021, ay dating US Navy patrol craft escort na ginawa noon pang 1943, at ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 1948.

Paliwanag ni Logico, ang “sinkex” ay para masubukan ang kakayahan ng pwersa ng dalawang bansa na rumesponde sa posibleng intrusion sa Philippine territorial waters. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us