Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng dalawang bagong direktor sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ay sa katauhan nina Director Noel Cruz Bocaling at Director Romel Tuazon Papa, na kapwa mayroong ranggong Director IV.
Papalitan ng mga ito ang pwesto nina Director Vicente De Guzman III at Director Jose Justo Yap.
Pirmado ni Pangulong Marcos ang appointment papers ika-3 ng Abril, 2023. | ulat ni Racquel Bayan