Pangulong Marcos Jr., nais bumuo ng grupo na tututok sa technological aspect na magpapabuti sa operasyon ng mga paliparan

Facebook
Twitter
LinkedIn

May nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na lumikha ng team na siyang magsasagawa ng pag-aaral sa aspetong teknolohiya upang mas maging maayos pa ang operasyon ng mga paliparan sa Metro Manila.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council, Tourism Sector Group, inihayag ng Chief Executive na naririyan lang ang kailangang teknolohiya at ang kailangan lang gawin ay i-adopt ito.

Batid aniya niya sabi ng Pangulo, ang mga hamong kinakaharap ng mga pangunahing paliparan sa bansa at isa na dito ang insufficient technology sa pagpo-proseso ng travel documents bukod pa sa space limitations.

Naririyan din dagdag ng presidente ang iba pang technical issues sa e-gates na humahawak ng passport at visa.

Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa harap ng pagnanais nito na maipatupad ang ease of travel sa hanay ng mga biyahero at mapalakas ang tourism sector.

Pagbibigay diin pa ni Pangulong Marcos Jr., dapat na namo-monitor ang improvement sa mga paliparan ng bansa para hindi naman tayo napag-iiwanan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us