Paniningil ng ₱20 ng SIM retailers para sa assistance sa SIM registration, reasonable — DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nalalabag na batas ang mga nagtitinda ng SIM card at naniningil ng nasa 20 pesos sa pag-asiste sa SIM users para sa kanilang SIM registration.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DICT Secretary Ivan Uy na private transaction na kasi ito sa pagitan ng SIM holder at SIM retailers.

Aniya, dahil data naman ng mga nagbe-benta ng SIM card ang ginagamit, maituturing na reasonable ang paniningil ng mga ito ng 20 pesos.

Makakatulong aniya ang mga ganitong pag-asiste, lalo na sa mga indibidwal na hindi naman tech savvy, o hindi masyadong gamay ang internet o teknolohiya.

“Data nila ang ginagamit, so may gastos sa kanila iyon. And I think 20 pesos is very, very reasonable. And for many na medyo digitally challenged, I think nakakatulong naman iyon.” —Secretary Uy.

Kahapon, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng SIM card registration, ng 90 araw. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us