Panukala para mapatawan ng kulong ang nuisance candidates, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kasagsagan ng pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian, na panahon nang magpasa ng isang panukala para magkaroon ng mas mabigat na parusa sa mga nuisance candidate upang matuldukan na ang mga kaguluhan sa pulitika..

Kaugnay nito ay inihain ng senador ang Senate Bill 1061, kung saan nakasaad na ang sinumang mapapatunayang may election offense, kasama na ang pagiging nuisance candidate ay papatawan ng parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon nang walang probation.

Naniniwala si Gatchalian, na malaki ang maitutulong ng panukalang ito para maibsan na ang mga gulo sa pulitika.

Nakasaad rin sa panukala ang parusang diskwalipikasyon sa anumang public position, pagkakaalis ng karapatang bumoto, at pagbabayad ng multang Php50,000 sa Commission on Elections (Comelec) ng sinumang lalabag.

Samantalang ang partidong pulitikal naman na mapapatunayang nagkasala ay pagmumultahin ng hindi bababa sa Php10,000.

Binigyang diin ni Gatchalian, na panahon nang gawing kriminal ang mga nuisance candidate upang maprotektahan ang integridad ng paghahalal sa mga pampublikong opisyal. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us