Panukala para sa ₱150 across-the-board wage increase sa mga manggagawa sa pribadong sektor, inihain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinaan na ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa paghahain ng panukalang batas ang isinusulong na wage increase para sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Sa ilalim ng House Bill 7871 o Wage Recovery Act, ipinapanukala ang pagpapatupad ng ₱150 across-the-board wage increase sa private sector employees.

Ang mga hindi tatalima sa taas-sahod ay pagmumultahin ng ₱100,000 hanggang ₱500,000 at/o makukulong ng dalawa hanggang apat na taon.

Pagbabayarin din ang employer ng doble sa halaga ng hindi nito ibinigay sa empleyado.

Ani Mendoza hindi na makakapaghintay ang mga manggagawa na umaksyon ang mga regional wage board sa mga petisyon na itaas ang sahod.

Dagdag pa nito na noong nakaraang taon pa nila kinakalampag ang mga wage board para aksyonan ang petisyon para sa taas-sahod dahil sa epekto ng inflation ngunit hanggang ngayon ay wala silang aksyon.

Punto pa ng TUCP party-list solon, mula umano ng ibigay sa mga regional wage board ang pagpapasya sa pagtataas ng sahod 34 taon na ang nakakaraan ay walang malaking pagtataas na nangyari.

“Filipino workers are becoming a class of the permanent poor, struggling every day to eke out their bare necessities with household spending gravely impacted by wages real value continues to decrease due to the stubbornly high inflation,” saad sa explanatory note ng panukala.

Isang kahalintulad na panukala ang inihain ng Makabayan Bloc at ni Cavite Representative Jolo Revilla. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us